Nagpatupad ang Department of Health (DOH) central office ng Environmental Sanitation Program sa Dipolog, Zamboanga del Norte.
Kasunod ito ng ikinasang “Ocular visit” kamakailan ng ilang tauhan mula sa DOH upang hikayatin ang mga residente sa tamang sanitation sa loob at labas ng kanilang bahay sa pamamagitan ng pagkakaroon ng malinis na palikuran.
Layunin ng DOH na magkaroon ng malinis at maayos na pamamaraan ang mga residente upang maiwasan ang iba’t ibang uri ng sakit na maaaring makuha mula sa dumi na gawa ng mga tao.
Sa ngayon, patuloy na nagsasagawa ng monitoring sa bawat kabahayan ang Lokal na Pamahalaan ng Dipolog upang masigurong nasusunod ang ipinapatupad na Ordinansang 123 kung saan isinusulong nito ang kalinisan sa lungsod.