Inaasahang agad na maglalabas ang Office of the Executive Secretary ng Executive Order para sa boluntaryong pagsusuot at paggamit ng face mask sa buong bansa.
Ayon kay Department of Health (DOH) Officer In Charge Maria Rosario Vergeire na sumang-ayon na verbally si Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. pero kailangan pa itong opisyal na magawan ng kautusan o maisyuhan ng legal document.
Aniya, inaasahan na agad na mailalabas ng Palasyo ang EO at kailangan na lamang itong hintayin.
Dahil naipaabot na ang rekomendasyong ito sa pangulo at nakuha naman ang kaniyang pag-apruba, inianunsyo na aniya nila para malaman ng publiko ang resolusyon ng Inter-Agency Task Force (IATF).