Pinirmahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Executive Order 165 na layuning i-update ang mga panuntunan hinggil non-mobile advertising signs and billboards.
Saklaw ng nilagdaang EO noong March 21 ang lahat ng “non-mobile advertising signs at billboards, kabilang ang support structures nito.
Nakasaad sa kautusan na ang unregulated advertising signs at billboards ay nagdudulot ng traffic distractions at panganib, banta sa public safety at nakapag-aambag sa environmental degradation bunsod ng kanilang hindi akmang lokasyon o sukat.
Sa ilalim ng EO, ang bagong itinayong billboard structures ay kailangang may limang metro na setback mula sa frontage property line habang kailangan ding pasado sa Philippine Electrical Code kung high tension wires ang gamit nito.
Ang mga electronic signs o led billboard display ay dapat base na rin sa EO 165 at mayroon lang na minimum display area na 55 square meters.
Samantala, makatutuwang ng local government unit sa pagpapatupad nito ang Department of the Interior and Local Government (DILG).