Pirma na lamang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kailangan sa isang Executive Order (EO) na magtatatag ng isang tanggapan sa ilalim ng DOJ o Department of Justice na tututok sa mga reklamo ng pang-aabuso sa kababaihan at kabataan.
Ito ay tatawaging Special Counsel for Women and Children na hinango ang konsepto sa isang tanggapan sa Davao City.
Nabatid mula kay DOJ Assistant Secretary Aimee Neri na naisumite na nila sa Palasyo ang nasabing proposal matapos itong aprubahan ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre.
By Meann Tanbio |With Report from Aileen Taliping