Aprubado na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Executive Order 155 na nagre-regulate sa presyo ng mga gamot sa bansa.
Sa nilagdaang EO ni Pangulong Duterte, layunin nitong magkaroon ng price regulation sa 34 drug molecules at 71 na drug formulas upang maprotektahan ang public health sa pamamagitan ng mas accessible at mas murang mga gamot.
Bukod pa diyan, mas malaking tulong kasi ito sa publiko partikular sa mga mahihirap ngayong nasa gitna parin tayo ng pandemiya.
Kabilang sa mga gamot na kasama sa mga pinare-regulate ay ang panlunas sa mga karaniwang sakit katulad ng anti-asthma, anti-diarhetic, anti-biotics at iba pa. —sa panulat ni Angelica Doctolero