Tinabla ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Executive Order ni dating Pangulong Noynoy Aquino na lilikha sa Negros Region.
Ibinasura ng Pangulo ang Executive Order dahil walang pondo ang gobyerno para rito, bukod pa sa mawawalan lang din ng saysay ito kapag naisulong ang na Pederalismo.
Sinabi ni Budget Secretary Benjamin Diokno, hindi pinaglaanan ng budget ang Negros Region na mangangailangan ng Labing Siyam na Bilyong Piso.
Ayon sa kalihim, mas maraming prayoridad ang Duterte Administration.
Lagda na lamang, aniya, ni Pangulong Duterte ang kailangan para i-repeal ang naging Executive Order ni dating Pangulong Aquino.
By: Avee Devierte / Aileen Taliping