Nilagdaan na ni Iloilo governor Arthur Defensor Jr. ang Executive Order number 605 para ipatupad ang minimum biosecurity standards sa lalawigan.
Sa ilalim ng panukala, isinusulong ang kampanyang ‘tahum’ o tapak, hugas at malinis na pagpapakain upang hindi tumaas ang bilang ng kaso ng ASF.
Ayon kay Defensor, kasalukuyan nasa walong munisipalidad ang nakapagtala ng mga kaso ng ASF kabilang ang tatlong bayan ng Oton, San Miguel at Leganes. —mula sa panulat ni Jenn Patrolla