Nilagdaan na ng Pangulong Rodrigo Duterte ang bagong Executive Order para sa pagbuo ng bagong Bangsamoro Transition Commission.
Sa ilalim ng bagong EO, dadagdagan ng anim ang dating Labing Limang (15) miyembro ng komisyon.
Labing isa (11) sa mga ito ang ilalaan para sa Bangsamoro at 10 ang mula sa pamahalaan.
Ayon ito kay Irene Santiago, Chairperson ng Government Implementing Panel for the Bangsamoro Peace Accords.
Sinabi ni Santiago na sisikapin nilang magkaroon ng iba’t ibang personalidad sa komisyon para mas maraming boses ang marinig.
Kasabay nito, tiniyak ni Santiago na hindi matutulad ang Pilipinas sa nangyari sa Colombia kung saan ibinasura ng mga botante sa referendum ang peace deal ng gobyerno sa FARC rebels.
By: Len Aguirre