Nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isang Executive Order (EO) na lumilikha ng mga bagong posisyon para sa mga guro sa paaralan, isang hakbang na ikinalugod ng Department of Education (DepEd).
Layunin ng EO no. 174 na lumikha ng new position titles para sa Mga Teacher IV, Teacher V, Teacher VI, Teacher VII at master teacher v gayundin ang pagtaas sa mga sahod ng mga guro.
Palalakasin din nito ang professional development career and advancement sa mga public school teachers.
Ayon sa DepEd makikipag-ugnayan sila sa civil service commission, Deparmtment of Budget and Management at professional regulation commission para sa paggawa ng mga pamantayan ng Executive Order.
Agad namang ipatutupad ang naturang order pagkatapos ma-ilathala sa official gazette at newspapers.