Pinag-aaralan ng Pangulong Rodrigo Duterte ang draft ng Executive Order na nagtatatag ng task force para mapabilis ang rehabilitation efforts sa mga lugar na sinalanta ng mga bagyo.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque naisumite na at kinukunsider na ng Pangulo ang draft ng Executive Order sa panukalang Build Back Better Task Force.
Sinabi ni Roque na ang kalihim ng DENR ang magsisilbing pinuno ng task force at co-chair naman ang public works secretary.
Ipinabatid ni Roque na kinukunsider ng gobyerno ang science based approach sa rehabilitation at recovery efforts ng bansa.
Gayunman pananatilihin aniya ng Office of the President ng oversight samantalang ang task force ay regular na magre-report sa Pangulong Duterte sa pamamagitan ni Executive Secretary Salvador Medialdea.