Inihahanda na ng Malacañang ang isang Executive Order o EO kaugnay sa localized peace talks sa New People’s Army o NPA.
Ipinabatid ni Presidential Spokesman Harry Roque na sa localized peace talks ay didiretso na ang gobyerno at bibigyang kapangyarihan ang mga local official na makipag-usap sa mga combatants kapag hindi pumayag si CPP-NDF Founder Jose Maria Sison na gawin sa Pilipinas ang peace talks.
Pitong kondisyon ang inilatag ng gobyerno sa localized peace talks tulad ng national orchestrated, centrally directed at locally supervised ang pag-uusap.
Ang amnesty package ay dapat ding naka-base sa disarmament, demobilization, rehabilitation at reintegration sa lipunan at iba pa.
Sinabi pa ni Roque na naglatag din ang gobyerno ng apat na localized peace engagement at kabilang dito ang localized peace talks, community dialogue, local peace package at confidential dialogue.