Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang executive order (EO) na nagtatakda ng maximum retail price sa ilang mga piling gamot.
Ito ang kinumpirma ni senate health committee chairman Christopher “Bong” Go.
Una nang isinumite ng Department of Health (DOH) ang draft ng EO sa tanggapan ng pangulo noong Disyembre kung saan ipinanukala ng ahensiya ang pagregulate sa presyo ng mahigit 120 mga gamot.
Kabilang dito ang mga gamot para sa mga sakit at kondisyon sa kalusugan tulad ng hypertension, diabetes, sakit sa puso, chronic lung disease, sakit ng mga bagong panganak na sanggol at kanser.
Inaasahan naman ng DOH na bababa ng hanggang 56% ang presyo sa merkado ng ilang mga gamot dahil sa EO.