Hinihimay na ng Malacañang ang Executive Order para sa Nationwide Smoking Ban.
Sinabi ni Executive Secretary Salvador Medialdea, layon nito na maiwasan ang kalituhan sa sandaling ipatupad ito sa buong bansa.
Ginawang halimbawa ni Medialdea ang smoking ban sa Davao City na nagkakaroon pa rin ng kalituhan dahil sa mga lugar na itinuturing na public places kahit matagal nang ipinapatupad ito.
Pinag-aaralan din kung isasama sa smoking ban ang electronic cigarette at ang pagbabawal ng paninigarilyo sa loob ng mga casino.
Umaasa ang kalihim na malagdaan agad ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Executive Order dahil isa ito sa mga nangununang nagbabawal ng paninigarilyo sa mga pampublikong lugar.
By: Avee Devierte / Aileen Taliping