Posibleng ilabas na ng pamahalaan sa loob ng dalawang linggo ang Executive Order hinggil sa pag-ban ng mga Philippine Offshore and Gaming Operators (POGO).
Ito ang tugon ni PAOCC Undersecretary Gilbert Cruz sa tanong ni Senator Win Gatchalian kaugnay sa nasabing kautusan sa pagdinig ng Senate Committee on Ways and Means.
Dagdag pa ni Usec. Cruz na pinaplantsa na lamang ang magiging implementasyon ng nasabing executive order.
Matatandaang inanunsyo ni Pangulong Ferdinand Marcos jr., sa kanyang ikatlong sona ang total ban ng mga POGO sa Pilipinas.