Inaasahang lalagdaan na ng Pangulong Rodrigo Duterte sa December 5 ang executive order kaugnay sa pagbabawal sa paputok sa buong bansa.
Ipinabatid ito ni Health Secretary Paulyn Jean Rosell-Ubial.
Nilinaw ni Ubial na hindi naman total ban ng paputok ang nakasaad sa naturang EO kundi regulation lamang ng firecrackers para matiyak ang kaligtasan ng publiko.
Nangangahulugan ito aniyang uubra pa ring bumili at gumamit ng mga paputok subalit hindi na sa mga bahay kundi sa community controlled areas.
By Judith Larino