Handang kuwestyonin sa Korte Suprema ni Buhay Partylist Representative Lito Atienza ang Executive Order na nilagdaan ng Pangulong Rodrigo Duterte para sa pagpapatupad ng Reproductive Health (RH) Law.
Sa panayam ng Ratsada Balita sa DWIZ, sinabi ni Atienza na kaduda-duda ang legalidad ng EO para sa isang batas na pinigil na ipatupad ng Korte Suprema.
Bahagi ng pahayag ni Buhay Partylist Representative Lito Atienza
Pinangangambahan ni Atienza na sa pamamagitan ng EO ay ituloy ng gobyerno ang paggamit ng Implanon, isang klase ng implant na nakakapigil sa pagbubuntis ng babae sa loob ng tatlong buwan.
Malinaw anya sa restraining order ng Supreme Court laban sa RH Law na illegal ang paggamit ng Implanon dahil wala itong clearance sa FDA o Food and Drug Administration.
Bahagi ng pahayag ni Buhay Partylist Representative Lito Atienza
By Len Aguirre | Ratsada Balita