Nagbabala ang isang Cancer Prevention Advocacy Group laban sa patuloy na pagdami ng mga Pilipinong nagkakasakit ng cancer dahil sa paninigarilyo.
Ang babala ay inihayag ni Emer Rojas, Pangulo ng New Vois Association of the Philippines o VOIS kasabay ng kanilang panawagan sa Pangulong Rodrigo Duterte na lagdaan na at ipatupad ang executive order na magbabawal sa paninigarilyo sa mga pampublikong lugar sa buong bansa.
Ayon kay Rojas, mahigit sa 17 milyong Pilipino ang adik sa sigarilyo at pumapangalawa ang Pilipinas sa Southeast Asia sa pinakamalakas kumonsumo ng sigarilyo.
Batay anya sa datos, may sampung (10) namamatay kada oras dahil sa mga sakit na may koneksyon sa usok.
Bahagi ng pahayag ni Mr. Emer Rojas
Samantala, nagtataka din ang VOIS kung bakit hindi pa nalalagdaan ng Pangulong Rodrigo Duterte ang executive order na magbabawal sa paninigarilyo sa mga pampublikong lugar sa buong bansa.
Ayon kay Rojas, Oktubre pa ng nakaraang taon dapat nalagdaan at naipatupad ang EO.
Sinabi ni Rojas, bagamat nakapaloob na sa Republic Act 9211 ang pagbabawal sa paninigarilyo sa mga pampublikong lugar, hindi naman ito naipapatupad.
Maliban dito, mahalaga rin anya ang EO dahil kasama na dito ang pagbabawal sa electronic cigarettes na wala sa RA 9211.
Bahagi ng pahayag ni Mr. Emer Rojas
By Len Aguirre | Credit to: Balitang Todong Lakas (Interview)