Kinumpirma ni Health Secretary Paulyn Ubial na nasa Malacañang na ang executive order kaugnay sa smoking ban sa mga pampublikong lugar sa bansa.
Ayon kay Ubial, posibleng pirmahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang EO anumang araw mula ngayon.
Aniya, may mga inaayos na lamang na ilang detalye tulad ng paglalagay ng mga smoking area.
Dagda ni Ubial, hindi kasama sa EO ang mga e-cigarette at vape dahil hindi rin ito kabilang sa Tobacco Regulation Act of 2003.
By Krista de Dios