Dumipensa ang Eastern Police District (EPD) kasunod ng isyung pagbisita ng mga Pulis sa bahay ng media personalities.
Ito’y matapos umalma ang mga mamamahayag sa ginagawang “home visit” ng mga Pulis sa kanilang mga tirahan.
Kasunod narin ito nang pagbaril-patay sa beteranong broadcaster-columnist na si Percival Mabasa o mas kilala bilang si “ka-Percy Lapid” ng DWBL.
Ayon sa EPD, ang house to house visit ng mga Pulis ay pagpapakita lamang ng magandang intensiyon at tunay na malasakit sa mga mamamahayag sa bansa.
Sinabi ng EPD, na siyang nakakasakop sa mga Lungsod ng Marikina, Pasig, Mandaluyong, at San Juan, na hindi nawawala sa kanilang layunin na itinataguyod ang pinakamataas na pamantayan ng kanilang serbisyo publiko, sa pamamagitan nang pagpapatupad ng mandato nito na paglingkuran at protektahan ang taumbayan.