Inihahanda na ng Eastern Police District Ang Security Plan para sa kauna-unahang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.
Sinabi ni EPD Chief Police Brigadier General Orlando Yebra Jr., na sa ngayon isinasaayos na lamang ang security details at deployment ng mga kapulisan.
Ipaprayoridad ng EPD ang pagtutok sa mga lugar na karaniwang pinupuntahan ng mga nagpoprotesta.
Mayroon ding mga control points na ilalagay ang epd para naman i-monitor ang boundaries ng mga lungsod ng Marikina, San Juan, Pasig, at Mandaluyong.
Sa Hulyo 25 isasagawa ang SONA ni Pangulong Marcos sa batasang pambansa sa Quezon City.