Pinaghahanda na ni House Committee on National Defense and Security Senior Vice Chair Ruffy Biazon ang pamahalaan sa posibleng mga epekto ngayong tuluyan nang tinuldukan ang Visiting Forces Agreement (VFA) sa Estados Unidos.
Ayon kay Biazon, dapat matalakay ang mga hakbang na gagawin ng gobyerno sa after-effects ng kanselasyon ng VFA.
Gaya na lamang aniya ng paghahanda sa disaster response at defense capability ng bansa.
Gayundin umano ang pagbabago ng defense at security strategies ng bansa.
Dagdag pa ni Biazon, dapat ding ikunsidera ng pamahalaan na maisama sa panukalang pambansang pondo ang alokasyon para sa mitigation measures na kailangang ipatupad para sa security gap na resulta ng kanselasyon ng VFA.