Masyado pang maaga para matukoy ang epekto ng ipinatupad na bagong quarantine system o Alert level scheme ayon sa DOH.
Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, inaasahang dalawa hanggang tatlong linggo pa mararamdaman ang epekto ng new alert level scheme kung saan isinailalim sa alert level 4 ang Metro Manila.
Ani Vergeire, kakasimula pa lang ng pag-iral nito sa NCR kaya’t inaasahan ang improvement sa bilang ng kaso ng COVID-19 matapos ang dalawa hanggang tatlong linggo.
Sa ilalim ng alert level scheme, sinabi ni Vergeire na maliban sa pagpapatupad ng granular lockdowns, ilang bagong hakbang din ang ipinatupad gaya ng active case-finding, intensive tracing of contacts, testing at immediate isolation.