Asahan parin ang epekto ng hanging amihan sa bansa lalo na pagdating ng hapon at gabi.
Magiging maaliwalas ang panahon bahagi ng dulong hilaga ng Luzon maliban sa mga pulo-pulong mahihinang pag-ulan dahil parin sa epekto ng hanging amihan.
Makakaranas naman ng mainit na panahon sa natitirang bahagi ng Luzon pero may tiyansa parin na isolated rain showers dulot ng localized thunder storm lalo na sa hapon hanggang sa gabi.
Magiging mainit at maalinsangan din ang mararanasan sa buong Visayas at Mindanao.
Wala namang nakataas na gail warning sa mga baybaying dagat kaya’t magiging katamtaman hanggang sa maalon na karagatan sa paligid ng hilagang Luzon ganun din sa eastern sea board ng Visayas at Mindanao.
Agwat ng temperatura sa Metro Manila ay nasa 25 degrees celsius na aabot hanggang sa maximum na 32 degrees celsius. —sa panulat ni Angelica Doctolero