Nagbabala si Political Analyst Professor Ramon Casiple sa magiging epekto ng away nina House Speaker Pantaleon Alvarez at Congressman Antonio Floirendo sa Duterte administration.
Sinabi ni Casiple na posibleng maapektuhan ang relasyong pampulitika nina Alvarez at Floirendo kapag pinahintulutan ng mga itong lumawig pa ang personal nilang away.
Ayon kay Casiple, mahalaga ang coalition para sa legislative agenda ng Pangulong Rodrigo Duterte at kapag lumala ang away ng dalawa maapektuhan ang puwersa ng administrasyon sa kongreso.
Gayunman, naniniwala si Casiple na mayroong behind the scenes na ginagawa ang Pangulo para magkasundo ang dalawa.
By Judith Larino