Inihayag ng Asian Development Bank (ADB) na mas lumala ang epekto ng pandemiya sa Pilipinas kung ikukumpara sa ibang mga bansa sa Asya.
Batay sa datos ng ADB, marami sa mga mahihirap ang hindi nakatanggap ng ayuda mula sa gobyerno kung saan, kinukulang na ang kanilang panggastos para sa kanilang pangangailangan.
Ayon sa ADB, aabot sa negative 21.1% ang nabawas sa pangangailangan ng mga mahihirap na pilipino kumpara sa Armenia na mayroong negative .3%; Georgia na mayroong negative 8.5%; Indonesia na may 3.3%; Kyrgyz Republic na may negative 11.2%; at Thailand na mayroong negative 1.9%.
Iginiit ng ADB, na kahit maraming pilipinong mahihirap ang nakatanggap ng ayuda, 70% umano ang walang nakuha mula nang magsimula ang pandemiya.
Dahil dito, plano ng gobyerno na hikayatin ang mga mahihirap na pilipino na kumaha ng national o Philsys id upang mas mapabilis umano ang pamimigay ng ayuda.