Nangangamba si House Ways and Means Committee Chair at Albay Rep. Joey Salceda sa posibleng malaking epekto ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa OFW remittances na makaaapekto rin sa ating ekonomiya.
Ayon kay Salceda, posibleng umabot sa $5-bilyong ang mababawas sa remittance ng mga OFW kada taon dahil sa epekto ng pagkalat ng sakit sa iba’t ibang panig ng mundo.
Lubha pa umanong naapektuhan ng krisis sa COVID-19 ang mga nasa sektor ng turismo at global trade kung saan nanggagaling ang mga highest paid OFWs.
Dagdag pa ni Salceda, posible rin na abutin ng dalawa hanggang tatlong taon bago makabalik sa normal ang remittances ng mga OFW.