Kinumpirma ng Department of Health o DOH ang pagbagsak ng nagpapabakuna sa bansa sa gitna ng iskandalo sa dengvaxia vaccine.
Sa pagdinig ng House Committee on Health, sinabi ni Health Secretary Francisco Duque na isang magandang halimbawa dito ang Davao kung saan nagkaroon ng measles outbreak.
Gayunman, tiniyak ni Duque na hindi sila susuko na hikayatin ang mamamayan na huwag mawalan ng tiwala sa mga bakuna para sa proteksyon ng kanilang mga anak.
PAKINGGAN: Pahayag ni Health Secretary Francisco Duque
Inamin naman ni Duque na nakakabahala ang epekto ng iskandalo ng dengvaxia sa immunization program ng pamahalaan.
Maliban aniya sa bakuna, apektado din ang iba pang programang pangkalusugan ng DOH tulad ng deworming o pagpurga sa mga bata.
PAKINGGAN: Pahayag ni Health Secretary Francisco Duque