Tiniyak ng bagong talagang pinuno ng National Dengvaxia Task Force na si DOH-Calabarzon Regional Dir. Dr. Eduardo Janairo na kanilang tutukan ang epekto ng kontrobersyal na bakuna sa mga naturukang bata.
Ayon kay Janairo, profiling ang kanilang unang hakbang na gagawin kung saan kailangang hanapin ang lahat ng nabakunahan.
Ang mga ito ay dapat aniyang mabigyan ng physical examination, bantayan at palakasin ang mga resistensya.
Plano rin umano ni Janairo na irekomendang pondohan ang gagawing pananaliksik hinggil sa tuwirang kaugnayan ng dengvaxia vaccine sa health condition ng mga bata.
Mahigit sa 800,000 kabataang Pilipino ang nabakunahan ng dengvaxia.