Pinangangambahang tumagal hanggang June 2016 ang nararanasang El Niño phenomenon.
Ito’y makaraang lumabas sa datos ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na umabot sa three degrees celsius ang init ng karagatan kumpara sa 2.3 degrees celsius nang tumama ang El Niño mula 1997 hanggang 1998.
Ibinabala ng PAGASA na makararanas ang bansa ng below normal rainfall lalo na sa buwan ng Oktubre hanggang Disyembre kung kailan nasa peak ang El Niño.
By Meann Tanbio