Tiniyak ngayon ng National Economic and Development Authority (NEDA) na maliit lamang ang epekto ng El Niño sa ekonomiya ng bansa.
Ayon sa NEDA, nasa .2 lamang ang epekto sa gross domestic product (GDP) ng nararanasang El Niño.
Ipinaliwanag naman ng ahensya na sektor ng agrikultura ang labis na maaapektuhan ng tagtuyot.
Kaya naman ikinukunsidera na rin ng NEDA ang epekto ng El Niño sa inilabas nilang revised 6 hanggang 7 percent na GDP target ngayong 2019.