Mararamdaman pa lamang sa kalagitnaan ng Enero ang epekto ng pagpapatupad ng ikalawang bugso ng excise tax sa mga produktong petrolyo.
Inanunsyo ito ng DOE o Department of Energy matapos maging epektibo kahapon, unang araw ng 2019, ang naturang excise tax.
Ito, ayon kay Energy Secretary Alfonso Cusi ay dahil kailangan pa munang ubusin ng mga kumpanya ng langis ang kanilang mga naka-imbak pang produkto ng petrolyo na tinatayang aabot pa sa kalagitnaan ng Enero.
Maaari lamang anyang idagdag ang panibagong excise tax sa mga bagong angkat na produktong petrolyo.
Nagbabala rin ang DOE na maaaring maipasara o makasuhan ng large scale stafa ang mga kumpanyang lalabag sa nasabing pag-uutos.