Wala pang pagtaya ang Department of Health (DOH) sa epekto ng general community quarantine (GCQ) sa pagtaas ng bilang ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) cases sa bansa.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, hindi pa masasabi sa ngayon kung epekto ng pagbaba sa GCQ ang pagtaas ng bilang ng COVID-19 cases.
Sa nauna nilang pagtaya, sinabi ni Vergeire na ang mas mataas na kaso ng COVID-19 ay bunga ng mas kumpleto nang datos sa ngayon at pag-update sa kanilang backlogs.
Sa ngayon aniya ay umaabot pa sa 2,000 ang kanilang backlogs dahil sa ilang problema sa isa sa kanilang mga laboratoryo.