Pumalo na sa 35 bilyong dolyar ang epekto sa ekonomiya ng giyera sa Syria.
Ayon sa World Bank, umaabot na sa 35 bilyong dolyar, ang pinsalang dulot ng giyera sa Syria, sa mga bansang Turkey, Lebanon, Jordan, Iraq at Egypt.
Sinabi ng World Bank na maliban sa libu-libong nasawi sa patuloy na kaguluhan sa Syria, patuloy din ang nararamdamang budgetary pressure ng mga bansang kalapit nito.
Ayon sa World Bank Report, nasa 2.5 bilyong dolyar na ang epekto sa Jordan ng kaguluhan sa Syria, at ito ay katumbas na ng anim na porsyento ng kanilang gross domestic product o one-fourth ng taunang kita ng pamahalaan.
By Katrina Valle