Nagbabantang maramdaman na rin hanggang sa Metro Manila ang epekto ng haze mula sa bansang Indonesia.
Inihayag ito ng pagasa kasunod na rin ng epektong hatid nito sa malaking bahagi ng Mindanao na umabot na ngayon sa Visayas.
Ayon kay Anthony Lucero, Officer in Charge ng Climate Monitoring and Prediction Section, bagama’t posibleng umabot na ang haze sa kamaynilaan, ngunit hindi aniya ito ganuong kalala tulad ng sa Visayas at Mindanao na may kasama pang usok at alikabok.
Ito’y dahil aniya sa madalas ulanin ang Luzon at daanan pa ng bagyo kaya’t madaling mawawalis ang hanging ihahatid ng haze rito sa Metro Manila.
Sa ngayon, pinag-iingat ng pagasa at Department of Health ang mga mamamayan ng Visayas at Mindanao na magsuot ng face mask upang hindi malanghap ang smaze o ang haze na sinamahan ng alikabok na lubhang nakasasama sa baga at nagdudulot ng respiratory disease.
By: Jaymark Dagala