Ikinabahala ng isang mambabatas ang walang patid na pagtaas ng presyo ng mga bilihin matapos na maitala ang 4.7% na pagbilis ng inflation rate nitong buwan ng Pebrero.
Ayon kay house ways and means chairman at Albay Rep. Joey Salceda, kailangan ng agarang aksyon para tugunan ang kakulangan ng suplay sa karne ng baboy.
Giit ni Salceda na isa ring ekonomista, hindi maaari aniya sa ngayon ang monetary o regulation controls.
Kapag ang suplay ng pagkain aniya ang nagkaka-aberya, tiyak na ramdam ang epekto nito sa ibang produkto dahil ito aniya ang basic input aniya sa labor.