Puspusan na ang mga ginagawang paghahanda ng Department of Agriculture (DA) sa posibleng epekto ng pagpasok ng La Niña phenomenon partikular sa sektor ng sakahan.
Kaya naman nakapag-develop na ang Philippine Rice Research Institute (PhilRice) ng hybrid rice varieties na kayang mabuhay kahit sa panahon ng tag-ulan.
Ayon sa PhilRice, anim na varieties ng hybrid rice ang kanilang isinalang sa eksperimento sa isang demonstration farm na nilahukan ng dalawampung magsasaka, seed company representatives at PhilRice staff.
Batay sa isinagawang pag-aaral, lumitaw na maganda naman ang ani ng mga naturang varieties ng bigas na itinanim sa panahon ng tag-ulan o mas kilala rin sa tawag na wet season.