Inaasahan pa rin ang pinagsamang epekto ng Low Pressure Area (LPA) at Southwest Monsoon o Hanging Habagat sa malaking bahagi ng Luzon maliban na lamang sa bahagi ng Bicol Region na inaasahan namang makakaranas ng maulap na kalangitan hanggang sa mainit at maalinsangang panahon.
Ayon kay PAGASA senior weather specialist Chris Perez, may tiyansa pa rin ng mga isolated rain showers ang Bicol Region dulot ng localized thunderstorms lalo na sa hapon hanggang sa gabi.
Makakaranas naman ng mainit at maalinsangang panahon ang malaking bahagi ng Visayas at Mindanao pero may tiyansa ng mga isolated thunderstorms lalo na sa hapon hanggang sa gabi.
Wala namang nakataas na gale warning ang PAGASA kayat malaya paring makakapalaot ang mga kababayan nating mangingisda at maliliit na sasakyang pandagat.
Agwat ng temperatura sa Metro Manila ay maglalaro sa 25°C hanggang 30°C habang sisikat naman ang haring araw mamayang 5:42 ng umaga at lulubog naman ito mamayang 6:18 ng hapon.