Ilang linggo pa umano bago malaman kung ano ang posibleng epekto ng Omicron variant ng COVID-19 sa mga fully vaccinated individuals.
Ayon kay DOH epidemiology Bureau Head Dr. Alethea De Guzman, kasalukuyan pa kasi umanong pinag-aaralan ang bagong variant na sinasabing mas nakakahawa kumpara sa delta variant.
Kaya kailangan pa aniyang maghintay para makita ng buo ang iba pang datos kaugnay sa bagong variant kabilang na rito ang efficacy ng mga COVID vaccines.
Sa ngayon aniya ay mahirap pa umanong magbigay ng konklusyon kung gaano katindi ang epekto ng Omicron variant lalo na’t wala pa rin umanong naitatalang nasawi dahil sa nasabing variant.