Kayo ba ay may alagang pusa?
Alam nyo ba na ang pag-aalaga ng pusa ay nakabubuti sa kalusugan ng isang tao.
Ito ay sa kabila ng pangamba ng ilan na ang pag-aalaga ng pusa ay posibleng magdulot ng pagkakaroon ng toxoplasmosis o impeksyon dulot ng parasitikong matatagpuan sa dumi ng pusa na nagiging sanhi naman ng pagkabaliw ng isang tao.
Pero paglilinaw ng mga eksperto mula sa psychological medicine, walang kinalaman s apag-aalaga ng pusa ang pagkakaroon ng sakit na psychosis.
Sa halip, ibat ibang benepisyo pa anila ang ibinibigay ng pagkakaroon ng puso sa ating araw-araw na buhay.