Bakit kaya mabilis ang tibok ng puso kapag tayo ay ninenerbiyos?
Ayon sa isang eksperto, ang katawan natin ay naglalabas ng isang kemikal na tinatawag na ‘Epinephrine’ kung saan ginagamit ng ating kung may peligro.
Kapag tayo ay nagagalit o may matinding problema, naglalabas ng ‘Epinerphrine’ ang ating katawan kaya bumibilis ang tibok ng ating puso.
Para sa mga may niyerbiyos maaring uminom ng pangpakalmang gamot o magpareseta sa doktor.
May natural ding paraan upang labanan ang kaba.
- Umupo sa isang tabi at huminga ng malalim at mabagal ng walong beses.
Kumain ng saging at uminom ng isang basong tubig upang marelaks ang katawan. – sa panunulat ni Jenn Patrolla