Sikat sa mga pinoy ang pagkain ng taho, ito kasi ang nakaugaliang kainin ng mga pilipino tuwing umaga partikular na ng mga bata.
Ayon sa mga eksperto, ang taho ay nakakatulong upang mapababa ang ating cholesterol at marami din itong protina na kailangan ng isang tao.
Bukod pa dito, maiiwasan din nito ang sakit sa puso, altapresyon, stroke at mas liliit ang posibilidad na magkakanser.
Ang taho o soya kasi ay nagtataglay ng genestein na isang uri ng anti-oxidant na pumipigil sa pagkalat ng kanser sa katawan ng tao.
Maiiwasan din nito ang pagkakaroon ng osteoporosis o pagkarupok ng mga buto at paglilinis ng ating mga atay dahil taglay din nito ang calcium and minerals na kailangan din ng ating katawan.
Pero alam niyo ba na mayroon ding epekto sa kalusugan ang pagkain nito?
Hindi kasi aprubado ng doh ang pagkain ng taho dahil isa sa mga epekto nito ay ang pagiging malilimutin.
Ayon pa sa DOH, hindi sigurado kung malinis ang pagproseso ng taho at kung bago o sariwa ang mga sangkap na ginagamit sa paggawa nito.
Bukod pa dito, nakakasira din ng timbang ang sobra-sobrang asukal na ginagamit sa paggawa ng arnibal. —sa panulat ni Angelica Doctolero