Inihayag ng isang opisyal ng Department of Health (DOH) na hindi agad mararamdaman ang benepisyo ng bagong kautusan ng pamahalaan na nagtatakda ng price cap sa higit 100 gamot na karaniwang pang-maintenance.
Paliwanag ni Melissa Guerrero, program manager mula sa DOH Pharmaceutical Division, sa Marso 2022 pa maramdaman ang epekto ng regulasyon sa presyo ng gamot.
Aniya, dapat na maubos na muna ng mga botika ang mga stock nilang gamot.
Mababatid na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Miyerkules ang executive order na nagtatakda ng maximum retail price sa ilang mga gamot.
Samantala, sinabi pa ni Guerrero na maaaring makasuhan at pagmultahin ang mga botikang magbebenta nang higit pa sa itinakdang presyo.