Pinaiimbestigahan ni Senador Francis Pangilinan sa Senado ang impact ng Rice Tarification Law apat na buwan matapos itong ipatupad.
Sa Senate Resolution No. 36, ibinunyag ng senador na nasa 200,000 magsasaka na ang tumigil sa pagtatanim at nasa 4,000 rice mills ang hindi na nag-o-operate.
Sinabi ni Pangilinan na ibinase niya ito sa sumbong sa kanya ng mga magsasaka mula sa Nueva Ecija.
Nais ring masilip ni Pangilinan ang pamamahagi sa P10-B rice competitiveness enhancement fund na naglalayon sanang pondohan ang mga magsasaka para sa mas modernong pagsasaka.
Ayon kay Pangilinan, bumagsak na rin sa mahigit P17.00 kada kilo ang bilihan ng lokal na palay mula sa dating mahigit sa P21.00 kada kilo.