Aminado ang Framework Convention on Tobacco Control Alliance Philippines na hindi agad mararamdaman ang epekto ng smoking ban sa kalusugan ng mamamayan.
Ayon kay Dr. Maricar Limpin, Executive Director ng FCAP o Framework Convention on Tobacco Control Alliance Philippines, posibleng bumilang ng labing lima hanggang dalawampung taon bago makita kung may epekto ang smoking ban sa mga sakit na nakukuhang sakit sa paninigarilyo at usok lalo na ang sakit sa puso.
Ayon kay Limpin,ang naging kapansin-pansin nang ipatupad ang smoking ban sa Davao City ay ang malaking pagbaba ng bilang ng mga naninigarilyong taga-Davao City.
Batay sa mga datos ng Department of Health (DOH) noong 2012, ang Pilipinas ay kabilang sa dalawampung (20) bansa sa mundo na may pinakamaraming naninigarilyo.
“Medyo matagal-tagal po talaga kasi alalahanin natin na for so many years tayong mga Pilipino ay masyadong exposed sa usok ng sigarilyo, in fact hanggang ngayon sa ibang parte ng Pilipinas ay talagang malalanghap mo ang usok ng sigarilyo, kawawa naman ang mga mamamayan na hindi naman naninigarilyo ay nagkakasakit.” Pahayag ni Limpin
By Len Aguirre | Ratsada Balita (Interview)