Alam mo ba na ang pagiging sobrang lamigin ay prone din sa iba’t ibang sakit tulad ng anemia, hypothyroidism at anorexia?
Ang hypothyroidism ay isang kondisyon kung saan hindi nakakagawa ng sapat na thyroid hormones ang thyroid gland.
Ang mga taong kulang sa thyroid hormone ay maaaring madaling mapagod, mabilis lamigin, at manghina.
Ang anemia naman ay isang kondisyon kung saan kulang ang red blood cells sa katawan dahil sa kakulangan sa nutrisyon at labis na kakulangan sa pagtulog.
Ang mga taong may kaunting taba sa katawan o sobrang kapayatan o tinatawag ding anorexic ay maaaring nahihirapang mapanatili ang temperatura ng kanilang katawan at sa ilang mga kaso, ay maaaring magresulta sa hypothermia.
Upang mapanatili ang normal na temperatura sa katawan, ugaliing kumain ng tama at masusustansyang pagkain tulad ng gulay at prutas at mga pagkaing sagana sa iron tulad ng atay at laman ng baka, baboy at manok.
Iwasan din ang sobrang pagpupuyat at pagkakaroon ng sugat na maaaring sanhi ng pagkawala ng maraming dugo sa katawan. —mula sa panulat ni Hannah Oledan