Kapansin-pansin na ang epekto sa turismo ng bansa ang usapin ng tanim-bala sa Ninoy Aquino International Airport o NAIA.
Ito’y dahil sa takot at pag-aalala ang dulot nito hindi lamang sa mga Pilipinong biyahero kundi maging ang mga banyagang turista sa bansa.
Ayon kay Tourism Undersecretary Maria Jasmin, inuulan na sila ng mga tanong mula sa dayuhang turista kung totoo nga ba ang napapaulat na insidente.
Bagama’t wala pa aniya itong naidudulot na lamat sa turismo ng bansa, mahalaga aniyang matuldukan na ang usapin sa lalong madaling panahon.
Sa pag-iikot ng DWIZ patrol, maraming pasaherong dumarating sa paliparan ang nagta-tiyagang pumila ng mahaba, maipabalot lamang ng plastic ang kanilang mga bagahe upang makaiwas na mabiktima ng nasabing modus.
By Jaymark Dagala