Aminado si NEDA o National Economic Development Authority Director General Ernesto Pernia na maaapektuhan ang mga proyekto ng pamahalaan sa bagong bersyon ng tax reform package sa Kamara.
Sinabi ni Pernia na mula kasi sa 162 bilyong pisong net collection ay mangangalahati na lang ito dahil sa ilang pagbabagong ginagawa sa Kamara.
“Magiging 82 billion na lang so kalahati na lang, may epekto din yun, yung tinatawag nating fiscal space natin, yung capacity ng gobyerno na mag-invest sa imprastraktura, sa kalusugan at edukasyon.” Ani Pernia
Sakali aniyang maipasa ang apat (4) na package ngayong taon, maaaring maipatupad na ito sa unang bahagi ng 2018.
Gayunpaman, sinabi ni Pernia na masisimulan na rin ang ilang infrastructure projects ngayong taon dahil mayroon namang pondo na nakalaan dito.
“Yung revenue generation, ma-realize yun during 2018, meron pa namang revenue na naka-earmark for infrastructure na maumpisahan na rin ang mga proyekto, sa pag-construct ng mga projects maraming ma-employ diyan at yung mga projects natin nasa mga region, nag-umpisa na yung mga right of way mga ganun, marami lang kasing mga preparatory work eh.” Pahayag ni Pernia
By Katrina Valle | Karambola (Interview)
Epekto ng tax reform package sa mga proyekto inaasahan na was last modified: May 31st, 2017 by DWIZ 882