Minimal lamang ang magiging epekto ng tigil-pasada na ikinasa ng piston ngayong araw kontra “jeepney phase out.”
Ito ang sinabi ni MMDA Acting Chairperson Don Artes sa bago sa ikakasang transport strike kasabay ng matinding demand sa sasakyan dulot ng Christmas rush at payday Friday.
Ayon sa opisyal, hindi ganoon karami ang sasamang tsuper at operator sa tigil pasada.
Una nang sinabi ng PISTON na pamumunuan nila ang malawakang tigil-pasada ng mga public utility vehicles upang tutulan ang itinakdang December 31 deadline ng gobyerno para makapagkonsolidate sa ilalim ng mga kooperatiba.