Dapat isaalang-alang ang magiging epekto sa ekonomiya sakaling magpatupad ng Alert Level 4 ang Inter Agency Task Force (IATF) sa Metro Manila at mga kalapit nitong lalawigan ayon kay Rizal 2nd District Representative Fidel Nograles.
Apela nito sa IATF, hanggat maaari ay huwag nang magpatupad ng Alert level 4 at sa halip ay gawin ang lahat ng makakaya upang wag nang ipatupad ito dahil, hindi na kaya ng bansa ang mawalan pa gayong higit na kailangan ng malaking pondo para sa pagtugon sa COVID-19.
Aniya, masyadong malaki na ang tatlong bilyong pisong nawawala sa bansa kada linggo sa pagpapatupad ng alert level 3 at kung ipatutupad pa ang mas mahigpit na quarantine status muli nanamang mahihirapang bumiyahe ang mga empleyado partikular ng mga taga Montalban, Rizal na nagtatrabaho sa Metro Manila.
Giit ng mambabatas, sana ay bigyang konsiderasyon ito ng IATF bagong magpatupad ng biglaang desisyon. —ulat mula kay Tina Nolasco (Patrol 11)