Naghahanda na ang Department of Labor and Employment (DOLE) posibleng epekto sa mga Overseas Filipino Workers (OFW’s) ng pagsadsad ng presyo ng langis sa Middle East.
Kasunod ito ng pagkumpirma ng Philippine Association of Service Exporter na nagsisimula na ang pagbabawas sa manpower kasunod ng paghina ng ekonomiya ng Saudi Arabia at Qatar.
Ayon kay DOLE Secretary Rosalinda Baldoz, nakikipag-ugnayan na sila sa iba’t ibang grupo para malaman ang kalagayan ng mga OFW at malaman kung ano ang maaaring maitulong sa mga ito.
Tinatayang mahigit 1 milyon ang mga manggagawang Pinoy ang nagtatrabaho sa Gitnang Silangan.
By Rianne Briones